4 Abu Sayyaf todas sa encounter
MANILA, Philippines - Napatay ang apat na bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group na responsable sa pagdukot sa mag-asawa sa Basilan matapos makasagupa ang mga opeÂratiba ng pulisya at Philippine Marines sa Pata Island, Sulu kamakalawa.
Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Abraham Orbita, Sulu PNP director, nakatanggap ng impormasyon ang security forces na itinatago ng mga kidnaper sa Para Island ang mag-asawang bihag na sina Barangay Chairman Pilardo Francisco, at Saharina Francisco, guro sa pampublikong paaralan.
Agad na ikinasa ang opeÂrasyon kung saan habang ginagalugad ang nasabing lugar ay nasabat ang apat na bandidong Abu Sayyaf na sakay ng pump boat na humantong sa palitan ng putok.
Gayon pa man, nabigong matagpuan sa Pata Island ang mag-asawang Francisco na posibleng nailipat na ng taguan matapos matunugan ang presensya ng mga opeÂratiba ng pulisya at militar.
Una nang humingi ng P15 milyong ransom ang mga bandido kapalit ng pagpapalaya sa mag-asawa.
Ang mag-asawa ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng fatigue uniform sa pagitan ng karagatan ng Lantawan at Maluso Basilan noong Sabado (Nobyembre 16).
- Latest