^

Probinsiya

Pulis, bumbero todas sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang pulis at isang bumbero sa magkahiwalay na sunog sa Commission on Elections (Comelec) sa  Iligan City, Lanao del Norte at kung saan aabot sa 30 kabahayan ang natupok ng apoy sa Isabela City, Basilan noong Miyerkules.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang unang insidente sa tanggapan ng Comelec sa Iligan City, Lanao del Norte dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na pulis  na si PO1 Rey Borinaga ng Public Safety Company na na-suffocate sa sunog.

Si Borinaga ay kabilang sa ideneploy  na nagbabantay sa opisina ng Comelec para pangalagaan ang  se­guridad sa barangay election noong Lunes (Oktubre 28)

Naapula naman ang sunog dakong alas-3 ng madaling araw kung saan sinasabing isang supporter ng natalong kandidato ang nasa likod ng panununog.

Samantala, iniulat naman ni P/Supt. Albert Larobis, director ng Isabela City PNP ang pagkamatay ng fire vo­lunteer na si Rolando Li­m na na-suffocate rin sa sunog.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong natumba ang biktima habang inaapula ang sunog sa Kaumpurnah Zone 1 na katabi lamang ng himpilan ng pulisya dakong alas-9:30  ng umaga kahapon.

Nabatid na nasa 18-ka­bahayan at 16 establisye­mento ang nasunog  kung saan naapula naman bandang alas-11 ng tanghali.

ALBERT LAROBIS

CAMP CRAME

COMELEC

ILIGAN CITY

ISABELA CITY

KAUMPURNAH ZONE

LANAO

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with