^

Probinsiya

2 fruit vendor niratrat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Pinagbabaril at napatay ang 37-anyos na fruit vendor habang malubha naman ang kasama nito makaraang mamaril ang kalabang vendor sa palengke ng Cavite City, Cavite kahapon ng umaga.
 Kinilala ng pulisya ang napatay na si Basit “Soy” Loyola at Joselito Alfrez Remata, 25, kapwa nakatira sa H. Del Trabajo Street sa Barangay San Roque habang nakatakas naman ang suspek na si Benjie Bonote, 38, fruit vendor din, ng Hugo Lu Apartment sa Cajigas Street, Barangay Caridad, Cavite City.
 Ayon kay PO3 Rodel Buitizon, nag-aayos ng panindang prutas ang mga biktima sa pamilihang bayan nang lapitan at ratratin ng suspek. Napuruhan sa ulo at dibdib si Loyola kung saan dinala sa Bautista Hospital pero inilipat sa PGH. Napag-alamang nakaaway ng mga biktima ang suspek kaugnay sa pagtitinda ng prutas sa palengke kung saan nagbitiw pa umano ng pagbabanta ang suspek na papatayin ang dalawa.

vuukle comment

BARANGAY CARIDAD

BARANGAY SAN ROQUE

BAUTISTA HOSPITAL

BENJIE BONOTE

CAJIGAS STREET

CAVITE CITY

DEL TRABAJO STREET

HUGO LU APARTMENT

JOSELITO ALFREZ REMATA

LOYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with