^

Probinsiya

Ina kritikal sa taga ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang 50-anyos na ina matapos itong pagtatagain ng sariling anak na sinasabing nagalit sa sermon ng una  sa  loob ng kanilang bahay sa Barangay Danan, bayan ng Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Francisca Dihelo na patuloy na isinasalba ang buhay sa Provincial Hospital sa bayan ng Margosatubig. Arestado naman  ang suspek na si Junrey Dihelo, 24, magsasaka at kapwa nakatira sa Purok Lumboy sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ina matapos sermunan ng biktima ang kanyang anak. Dito nagalit ang suspek kung saan pumunta sa may kusina at kinuha ang nakasabit na itak saka pinagtataga ang nasorpresang ina nito. Agad na tumakas ang suspek pero nasakote rin ni Brgy. Kagawad Jaime Canuto na agad itinurnover sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

AGAW

ARESTADO

AYON

BARANGAY DANAN

FRANCISCA DIHELO

JUNREY DIHELO

KAGAWAD JAIME CANUTO

PROVINCIAL HOSPITAL

PUROK LUMBOY

VINCENZO SAGUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with