2 mall pinasabog: 5 basag ang eardrum
MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasugatan matapos ang magkasunod na pagsabog sa dalawang sinehan sa dalawa ring pamosong mall sa Davao City, Davao del Sur noong Lunes ng gabi.
Sa ulat ni Davao City PNP director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa na naiparating sa Camp Crame, dakong alas-9:05 ng gabi ng maganap ang unang pagsabog sa loob ng Cinema 1 ng pamosong mall sa Ecoland.
Agad namang rumesÂponde ang bomb squad ng Davao City PNP na nagsagawa ng post blast investigation kung saan inatasan ang mga movie goer na bakantehin ang Cinema 1.
Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ang bomba na itinamin sa uÂpuan sa J5 sa 1st row ng orchestra kung saan wala namang nasugatan dahil ang nalalabing 10-movie goers sa sinehan ay nakaupo sa bahagi ng balcony.
Bandang alas-9:25 naman ng gabi ng maitala ang ikalawang pagsabog sa Cinema 5 ng Gaisano Mall sa Bajada, Davao City.
Limang moviegoers ang isinugod sa San Pedro Hospital matapos dumaing ng pananakit ng teynga dahil sa sinasabing nabasag ang eardrum.
Sa pahayag ni de la Rosa, ang bomba ay itinanim naman sa ikaanim na upunan sa 9th row ng Cinema 5 ng Gaisano mall.
Nabatid na ang magkasunod na pagsabog, ayon pa kay de la Rosa ay may distansyang nasa 5-kilometro sa Davao City.
Nagsagawa na ng clearing operations ang bomb squad at walang natagpuan pang bomba sa nasabing mga sinehan na posible pang lumikha ng pinsala.
- Latest