^

Probinsiya

Mag-asawa, ex-brodkaster dedo sa pamamaril

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang da­ting radio broadcaster ang na­patay makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Mangan-Vaca, bayan ng Subic, Zambales kahapon.

Kabilang sa mga na­patay ay ang mag-asawang Melvin “Parog” Espiritu, 30; at Melody “Poday” Iloco, kapwa nakatira sa Purok 1, Paradise Street, Barangay Matain sa nabanggit na bayan; at ang dating radio broadcaster na si Salvador Zamuco, Jr, 48, ng Barangay Naugsol.

Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jelson M. Dayupay, hepe ng Subic PNP, nagtungo ang magka-live-in lulan ng motorsiklo sa utol ni Espiritu para mangutang at habang papauwi ay pinagbabaril ng grupo ng kalalakihan pagsapit sa Purok 3, Daang Naugsol sa nabanggit na barangay.

Nagkataon naman na nagmomotorsiklong dumaan si Zamuco na sinasabing nakasaksi sa krimen kaya maging siya ay niratrat hanggang sa mapatay.

Pinaniniwalaang may kinalaman ang onsehan sa iligal na droga ang isa motibo kaya pinabulagta ang magka-live-in na sinasabing naninirahan sa tinaguriang shabu-tiangge area sa nasabing bayan.

vuukle comment

BARANGAY MANGAN-VACA

BARANGAY MATAIN

BARANGAY NAUGSOL

DAANG NAUGSOL

ESPIRITU

JELSON M

PARADISE STREET

PUROK

SALVADOR ZAMUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with