5 pagyanig sa Taal Volcano
MANILA, Philippines - Nagtala ng limang volcaÂnic quakes ang Taal Volcano sa Batangas sa loob ng 24-oras habang nagbuga naman ng puting usok ang Mayon volcano sa Albay, ayon sa ulat ng state vulcanologist kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Philippine InsÂtitute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nasa alert level 1 ang Taal kung saan pinaalalahanan naman ang publiko panatilihing lumayo sa bibig ng bulkan o sa mismong main crater nito.
Gayon pa man, ang pinakabunganga nito ay istriktong ipinagbabawal na puntahan dahil sa biglaang pagbuga ng usok dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases.
Ang bahagi ng hilaga sa gilid ng bunganga sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay magiging mapanganib kapag ang sumingaw kasama ang mga umiiral na pagputok ay biglang tumaas.
Hindi rin inirerekomenda ng kagawaran ang pananatili sa isla at ang kabuuang isla ng Volcano ay isang permanent danger zone.
Samantala, ang Mayon Volcano sa Bicol ay hindi naman nagrehistro ng volcanic quake sa loob ng 24-oras, pero nagbubuga ito ng puting usok na inaanod pa kanluran-silangan, kanluran at kanluran hilaga-kanluran.
Naobserbahan din na may maputla sa bunganga ng bulkan noong Sabado ng gabi.
Dahil abnormal ang kondisyon nito, pinaalalahan din ng Phivolcs ang publiko na lumayo sa 6-km permanent danger zone.
- Latest