^

Probinsiya

Grade 1 pupil, tepok sa tuklaw ng cobra

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdadalamhati ang pamilya ng isang Grade 1 pupil matapos na tuklawin ng cobra nitong Lunes sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si alyas “Yuri”, 6 anyos, residente ng Dang­cagan City, Bukidnon.

Sinabi ng tiyahin ng biktima na si Mildred Raymundo na nakatago sa kahon ng mga laruan ang nasabing makamandag na ahas.

Naglalaro ang bata sa loob ng kanilang bahay nang biglang bumulaga ang cobra at kinagat ang biktima.

Mabilis na dinala sa ospital ang biktima at tinangka pang isalba ng mga doktor subalit binawian din ng buhay.

Nabatid na unang dinala ang biktima sa isang ospital sa Bukidnon su­balit dahil sa kawalan ng anti-venom vaccine inilipat ito sa Cagayan de Oro City.

Dismayado naman ang pamilya ng biktima sa kakulangan ng anti-venom vaccine sa Bukidnon. Madalas anila ang insidente ng snake bite  sa lalawigan subalit kulang sa bakuna.

GRADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with