^

Probinsiya

Ama inutas ng anak sa pagtatanggol sa ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa sariling ina, pinagtataga hanggang sa mapatay ang 68- anyos na ama ng kanyang anak na lalaki  sa kanilang tahanan sa Barangay Pitawie, bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na tatay na si Marcos Ignacio Sr. habang naaresto naman ang suspek  na si Ronie Ignacio, 22, kapwa nakatira sa nasa­bing barangay.

Base sa police report na natanggap ni P/Chief Inspector office 9, bandang alas-4 ng hapon nang muling magwala  ang ama na lango sa alak kung saan sinaktan na naman ang misis nitong si Visitacion Ignacio.

Gayon pa man, tangkang tatagain sana ni Marcos ang kanyang misis pero inawat ito ng Ronie kung saan naagaw ang itak sa kaniyang ama. 

Sa galit ng tatay ay pinagbalingan nitong saktan ang anak na lalaki hanggang sa mapilitan ang binata na lumabas ng kanilang tahanan.

Bumalik naman si Ronie makalipas ang ilang minutokung saan pinagtataga hanggang sa mapatay ang sariling tatay.

Kaagad na pinagtulungan ng mag-ina na ilibing ang bangkay ni Marcos sa likuran bahagi ng kanilang bahay upang itago ang krimen.

Subalit lingid sa kaalaman ng mag-ina ay namataan sila ng kapitbahay kaya nagreport sa opisyal ng barangay na agad naman dumulog sa pulisya kaya nasakote si Ronie.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang pa­nganay na anak na lalaki ni Marcos ay pinatay na rin nito noong 2001 pero nakalaya ito makaraan ang ilang buwang pagkakakulong dahil hindi nagsampa ng demanda ang kaniyang misis at anak. 

Ito rin ang dahilan kaya tuluyang nawala ang respeto at pagmamahal sa ama ng kaniyang pamilya.

BARANGAY PITAWIE

BUMALIK

CHIEF INSPECTOR

DAHIL

GAYON

MARCOS IGNACIO SR.

RONIE

RONIE IGNACIO

VISITACION IGNACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with