^

Probinsiya

Manila Zoo ilipat sa Masungi Georeserve – Tolentino

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Sena­tor Francis ‘Tol” Tolentino na mas mainam na mailipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal para mas mapangalagaan ang mga hayop.

Sa ideya ni Sen. Tolentino, inihayag na ang paglilipat ng 65-taon nang Manila Zoo mula sa kasalukuyang lokasyon nito sa Malate, isang highly urbanized na distrito sa Maynila, patungo sa kilalang geotourism site sa Pahihintulutan ng Baras, Rizal, ay makapagbibigay ng mas magandang kondisyon at maayos na pamumuhay ng mga hayop malapit sa kanilang natural na tirahan.

“Mas maganda kung mabibigyan ng espasyo ang mga inaalagaang ha­yop (ng Manila Zoo) kung saan maaari silang mabuhay sa tamang lugar at klima,” sabi ni Tolentino kay Ann Adeling Dumaliang, co-founder ng Masungi Georesereve Foundation, radio program ng senador na ‘SOS’ sa DZRH.

Nabanggit niya na sa ilalim ng kasalukuyang anim na ektaryang site ng Manila Zoo, ang mga hayop ay pinipigil sa maliliit na kulungan at nailalantad sa ingay, init, at polusyon sa lungsod.

“Maliit lang po ito kaya hirap na hirap ‘ung ating mga giraffe…’yung ating elepante nga namatay…mainit ‘yung semento. Hindi po kasi natural habitat ng mga hayop na nabanggit ko ‘yung kalungsuran, kung saan mainit, maingay, at mausok,” paliwanag ng senador na nagtatagu­yod din ng sustainable development at turismo noong siya ay alkalde ng Tagaytay City at chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Malugod na sinang-ayunan ni Dumaliang ang ideya ni Tolentino sa pagsasabing ang pagpoprotekta sa mga hayop at mga katulad na aktibidad ay maaaring isailalim sa isang mas malaking master plan para sa georesereve.

“Maganda pong reco­mmendation po ‘yung inyong nabanggit, malaki rin po ‘yung pwedeng ambag n’yan sa environment education,” sabi ni Dumaliang.

vuukle comment

FRANCIS ‘TOL” TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with