Prexy ng asosasyon, pinabulagta
CAVITE, Philippines - Napatay ang 56-anyos na pangulo ng homeÂowners association habang sugatan naman ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng isa sa mag-utol na lalaki na nagwawala sa bisinidad ng Blessed Ville Subd. sa Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt Joseph Peñaflor, ang napatay na si Solomon Laureles habang sugatan naman si Jay Laureles, 35, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar. Arestado naman ang suspek na si Romulo Rañola, habang tugis naman ang kapatid nito na si Rolly Rañola. Base sa police report, lumilitaw na pinayapa ng mga biktima ang nagwawalang si Romulo subalit namataan ng isa pang suspek na si Rolly. Sa pag-aakalang pinagtutulungan ang kanyang utol ay pinagbabaril ni Rolly ang mga biktima bago tumakas.
- Latest