^

Probinsiya

Pulis nanalo sa suntukan, inutas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa karahasan ang komprontasyon ng alitan sa lupa makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang pulis ng lalaking tinalo nito sa suntukan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang napatay na si SPO3 Jeorge Galdiano ng Butuan City PNP; at nakatira sa Purok 8 A, Poblacion.

Sugatan naman naisugod sa DO Memorial Hospital ang bystander na si Nueve Baniada matapos na tamaan ng ligaw na bala.

Pormal naman kinasuhan ang suspek na si  Giljean Villanueva ng Purok 14 kung saan sumuko sa himpilan ng pulisya bitbit ang cal. 9mm pistol.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen matapos ang komprontasyon ng suspek at biktima sa isyu ng kontrata sa pinag-aagawang lupain sa Purok 14.

Gayon pa man, nagsuntukan pa ang dalawa kung saan natalo ni Galdiano ang suspek na bilang ganti ay pinagbabaril ang pulis habang nakatalikod at paalis na sa nasabing lugar.

AGUSAN

BARANGAY POBLACION

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

GALDIANO

GILJEAN VILLANUEVA

JEORGE GALDIANO

MEMORIAL HOSPITAL

NUEVE BANIADA

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with