5 minerong nawawala natunton na
MANILA, Philippines - Natukoy na ng rescue and retrieval team ang kinaroroonan ng lima pang minerong nawawala sa gumuhong coal mine sa Semirara Island, Caluya, Antique, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Rico Andaza, hepe ng Caluya PNP, natukoy ang mga na-trap na minero ng Semirara Mining Corporation matapos umalingasaw ang masangsang na amoy.
Kabilang sa mga miÂnerong nawawala na natunton ay sina George Bragat, Jan Riel Pianca, Randy Tamparong, RiÂchard PaÂdernilla at si Junjie Gomez na nalibing sa may 30-metrong lalim ng putik mula sa gumuhong minahan.
Pansamantala namang inihinto ang rescue and retrieval operation dahil hinihintay pa nila ang pagdating ng mga doktor.
Nilagyan nang disinfectants para mawala ang masangsang na amoy sa kinaroroonan ng mga biktima.
Magugunita na noong Miyerkules ng gabi ay gumuho ang bahagi ng minahan kung saan lima-katao ang kumpirmang nasawi sa trahedya.
- Latest