^

Probinsiya

2 kaanak ni Vice President Binay kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal ang sinapit na kamatayan ng mag-utol na kamag-anak ni Vice President Jejomar Binay matapos pagsasaksakin ng kainuman ng mga ito sa Brgy. Cataggaman Pardo ng lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Tuguegarao City Police, ang mga nasawi na sina Loreto at John Cabauatan na pawang  kamag-anak sa ina ni  Binay.

Lumalabas sa imbestigasyon na inihatid ng magkapatid pauwi ang suspek na si Florentino Casauay dahil sa sobrang pagkakalango sa alak.

Nabatid na nagkapikunan sa isa’t isa at naging pasaway ang mag-utol kay Casauay kung kaya’t kumuha ito ng kutsilyo sa kanilang kusina na siyang ginamit sa pagpatay sa magkapatid.

Agad na nadakip ng  nag­respondeng mga pulis ang suspek na sa ngayon ay nakapiit na sa kulungan habang sabay naman pinag­lalamayan ang mga napatay nitong magkapatid na biktima. 

vuukle comment

BINAY

BRGY

CASAUAY

CATAGGAMAN PARDO

FLORENTINO CASAUAY

JOHN CABAUATAN

MARIANO RODRIGUEZ

TUGUEGARAO CITY POLICE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with