^

Probinsiya

Lending firm binomba: 8 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo-katao kabilang ang dalawang pulis ang nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada sa isang money­ lending firm sa Recto Avenue­, Ba­rangay La­pasan sa Cagayan de Oro City  kahapon ng umaga­.

Kabilang sa mga nasu­gatan na isinugod sa Capitol University Medical  Center at Northern Min­danao Regional Medical Cen­ter ay sina SPO2 Ronelio Mendiola ng PNP station 8; ret. SPO2 Rogelio Cabu­tad, guwardiya sa lending firm; Jay-R Palma, Danny Ragnag, Varceliza Salamanca, kawani ng lending firm; Fritzie­ Pios, Roderick Cadevit, at si Fernando Viernes. 

Sa ulat ni P/Senior Supt. Gerardo Rosales, hepe ng Cagayan de Oro City PNP na isinumite sa Camp Crame naganap ang pagsabog sa harapan ng Golden Sun Finance Corp. kung saan inaalam kung may kinalaman sa pyra­miding scam na Aman Futures­ Group sa rehiyon ng Mindanao ang pagpapasabog bagaman wala pa itong basehan sa kasalukuyan.

Nabatid sa ulat na sinasabing maraming nangutang sa nasabing lending firm na sinampahan ng kaso matapos na mabigong magbayad ay posible umanong ini-invest sa pyramiding scam sa Pagadian City at Rasuman group naman sa Marawi City, Lanao del Sur.

Napag-alamang bi­nubuksan ang pintuan ng lending firm ng guwardiya katuwang ang dalawang kawani ng biglang sumambulat kung saan ginamitan ng booby trap na kapag binuksan ang pinto ay mahihila ang tali sa safety pin ng granada.

AMAN FUTURES

CAMP CRAME

CAPITOL UNIVERSITY MEDICAL

DANNY RAGNAG

FERNANDO VIERNES

GERARDO ROSALES

GOLDEN SUN FINANCE CORP

JAY-R PALMA

ORO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with