Barangay kagawad pinugutan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng barangay kagawad matapos itong ratratin ay pugutan pa ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Cabaloaon sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Col. Ricardo Visaya, commander ng Army’s 901st Infantry Brigade ang napaslang na si Kagawad Ely Oguis.
“We condemn the brutal beheading of Brgy Kagawad Oguis by the NPA. While he is working hard for a living for his family, the NPA rebels are extorting money from him,” ani Visaya.
Bandang alas-11:10 ng gabi ng pagbabarilin ng mga rebelde ang biktima sa harap ng kanyang tahanan kung saan hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ito matapos na kaladkarin palabas sa kaniyang bahay.
Sa ulat ng Army Peace and Development Team, si Oguis ay hinihingan ng revolutionary tax ng mga rebelde subalit tumanggi ito.
Dahil sa pagtanggi ay itinali ang mga kamay nito at saka pinugutan ng mga rebelde at iwanan ang bangkay na nakabulagta sa harapan ng bahay.
Agad namang dinispatsa ni Lt. Col. Audrey Pasia, commanding officer ng 2nd Infantry Battalion ng mga sundalo upang tugisin ang grupo ng mga rebelde.
Nangako rin ang opisyal na tutulungan ang pamilya ng biktima na magsampa ng kasong kriminal laban sa grupo ng mga rebelde.
- Latest