^

Probinsiya

Pulis, 8 pa tiklo sa illegal cockpit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam-katao kabilang ang isang pulis-Con­solacion ang inaresto matapos maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya na nagsagawa ng  raid sa illegal na sabungan (tu­pada) sa Barangay Mari­gondon, Lapu-Lapu City, Cebu noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang inarestong pulis na si PO3 Artemio Tumakay na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Consolacion at nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Nakakulong naman sa Lapu-Lapu City PNP Office Holding cell ang mga sibilyang sina Nestor Amodia, 43; Gabriel Aton, 48; Florencio Amores, 56; Lino Aton, 40; Domingo Aton, 52; Roy Potot, 37; Conrado Potot, 59; pawang nakatira sa Sitio Mahayahay; at si Rolando Catadman, 47, ng Barangay Suba-Basbas.

Nabatid na tinangka pang harangin ni PO3 Tumakay ang raid sa pagsasabing pagbigyan na ang mga magsasabong dahil sa selebrasyon ng fiesta sa barangay.

Gayon pa man, walang maipakitang dokumento si PO3 Tumakay na pinahintulutan ng lokal na pamahalaang ang tupada kaya inaresto rin ito dahil sa pinaniniwalaang nagsi­silbing protektor ng illegal na sabungan.

Nasamsam naman sa operasyon ang tatlong pa­nabong na manok, anim na tari at P400 cash.

Ayon kay  LLCPO director P/Senior Supt. Rey Lyndon Lawas, si Tumakay na nakumpiskahan ng kanyang service firearm ay naka-off duty at naka­takda sanang mag-report sa trabaho kamakalawa (All Souls’ Day). Joy Cantos at Freeman News Service

 

ALL SOULS

ARTEMIO TUMAKAY

BARANGAY MARI

BARANGAY SUBA-BASBAS

CONRADO POTOT

DOMINGO ATON

FLORENCIO AMORES

FREEMAN NEWS SERVICE

LAPU-LAPU CITY

TUMAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with