Gus Abelgas inakyat-bahay
MANILA, Philippines - Nabiktima ng notoryus na Akyat-Bahay Gang ang beteranong Scene of the Crime Operatives (SOCO) reporter ng ABS-CBN Channel 2 at Pang Masa columnist matapos pasukin ang kanilang tahanan sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa.
Ayon sa salaysay ni Gus Abelgas sa mga kasamahang mamamahayag sa Camp Crame, posibleng naganap ang panloloob sa Bel Air 4, Sta. Rosa City sa pagitan ng ala-1:30 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Winasak ang lahat ng doorknob mula gate hanggang sa lahat ng parte ng bahay kabilang sa ebidensyang nakita sa crime scene.
Tanging caretaker lamang na apat na taong naninilbihan sa pamilya Abelgas ang nagbabantay sa kanilang bahay dahil sa Quezon City naglalagi ang pamilya at umuuwi lamang tuwing weekend.
Nabatid na nagpaalam ang kanilang caretaker kung saan umalis ng alauna ng hapon at bandang alas-10 na ng gabi nakabalik sa binabantayang bahay ng veteran reporter.
Samantala, nadiskubre naman ang nakawan ng pag-uwi ng caretaker ay bukas na ang gate, magulo at kalat-kalat ang mga gamit sa bahay habang ang ilang gamit tulad ng television, LPG tank at iba pang mga gamit sa kuwarto ay nakitang nakalagay sa bahay kubo na pahingahan ng pamilya Abelgas.
Ayon sa salaysay ng mga guwardiya, napansin nilang may puting L 300 van (ZBE 699) ang pumasok sa subdibisyon at nag-iwan ng lisensyang may pangalang Anthony Andrade na lumabas at hindi na binalikan ang lisensya.
Pinaniniwalaang na pipick-apin sana ang mga kagamitan pero inabandona matapos di-dumating ang sasakyan kung saan ayon kay Abelgas ay maaring nagdalawang isip ang mga kawatan nang makita ang larawan niya kasama ang pamilya sa loob ng kanilang tahanan.
- Latest