^

Metro

2 pulis-Caloocan timbog sa carnapping, robbery

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 pulis-Caloocan timbog sa carnapping, robbery
Ang mga pulis na sina PStaff Sgt. Rusell Ortega, 39, ng Brgy. Gaya-Gaya, SJDM, Bulacan at PCpl. Joel Taboga, 37, ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City; kapwa nakatalaga sa Caloocan Police Sub-Station 6 at sibilyang si Robin Caidic, 34, ng Brgy. Ugong, Valenzuela City, ay positibong itinuro ng biktimang si Gerald Andrade, 28, na kumuha umano ng kanyang pera at motorsiklo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang tauhan ng Caloocan City Police at isang sibilyan ang arestado habang apat pang pulis ang inginuso matapos na ireklamo ng carnapping at robbery ng umano’y drug suspect sa Quezon City.

Ang mga pulis na sina PStaff Sgt. Rusell Ortega, 39, ng Brgy. Gaya-Gaya, SJDM, Bulacan at PCpl. Joel Taboga, 37, ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City; kapwa nakatalaga sa Caloocan Police Sub-Station 6 at sibilyang si Robin Caidic, 34, ng Brgy. Ugong, Valenzuela City, ay positibong itinuro ng biktimang si Gerald Andrade, 28, na kumuha umano ng kanyang pera at motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni PMaster Sgt. George Ca­culba ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang  insidente dakong alas-4:40 ng hapon nitong Lunes sa harap ng barangay hall ng Balon Bato sa nasabing lungsod.

Bago ito, lumilitaw na nasa barangay hall ang mga tauhan ng QCPD-CIDU sa pangunguna ni PCapt. Reynaldy Tagle, hepe ng Homicide Section at tauhan ng Talipapa Police Station upang irebisa ang CCTV footage sa nangyaring pamamaril sa isang lalaki at pagdukot sa kanyang inang negosyante sa harap ng LR Pascual Elementary School sa L. Pascual Street, Brgy. Baesa, Quezon City madaling araw nitong Lunes.

Habang pinanonod ng grupo ni Tagle ang CCTV, napansin nila ang komosyon sa tapat ng barangay hall.  Agad nilang tinungo ang komosyon at nadatnan nilang hawak nina Ortega, Taboga at Caidic si Andrade.

Bilang bahagi ng beripikasyon, hiningan ni Tagle ng dokumento ng operasyon at koordinasyon ang mga pulis-Caloocan subalit bigo silang makapagpakita, at sa halip sinabi ni Andrade na hinarang siya ng mga suspek at kinuha ang kanyang P16,000 cash at motorsiklo sa isang gasolinahan. Nakakita lamang umano siya ng pagkakataon at nakatakas mula sa mga pulis hanggang sa makaabot sa barangay hall.

Dito na inaresto ng tropa ni Tagle sina Ortega, Taboga at Caidic.

Nakuha ng mga pulis-QC sa mga kabarong suspek ang motorsiklo ni Andrade habang isang replica na baril ang nakuha kay Caidic.

Sa interogasyon, inginuso ng tatlo ang iba pang kasama na sina PCpl Judy Rizare, team leader/ tracker team operative; PCpl Andy Moja, PCpl Mark Anthony Vinagrera at PCpl Alvin Cruz.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with