^

True Confessions

Hiyasmin (101)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nag-iisa si Dax ay naiisip niyang hindi sayang ang mga ginastos niya sa pagpapaaral kay Hiyasmin. Sulit na sulit dahil ga-graduate ito na magna cum laude. Kung tinanggihan niya ito, ma­laking pagsisisi sapagkat matalino at maaasahan. Bihira ang ganitong kabataan na mahusay na sa pag-aaral ay responsible pa sa lahat nang bagay. Maaasahan at mahusay makisama. Pati ang kanyang mga magulang ay hangang-hanga at kinaluguran si Hiyasmin.

Saan pa makakakita ng ganitong klase ng tao. Napakasuwerte niya at nakilala si Hiyasmin.

Pero nang maisip ni Dax ang nalalapit na pagtatapos ni Hiyasmin sa kolehiyo, nakadarama na rin siya ng lungkot dahil tiyak na aalis na rin ito sa kanyang bahay. Siyempre, magkakaroon ito ng magandang trabaho. Karaniwang ang mga nagtatapos ng may karangalan ay hinahabol ng mga kompanya para sa kanila magtrabaho. Tiyak na maraming advertising firms ang mag-uuna­han kay Hiyasmin.

Kapag may trabaho na si Hiyasmin, tiyak na titira siya sa malapit sa kompanya. Baka sa condo na tumira.

Napabuntunghininga si Dax.

Pero sinabi naman minsan ni Hiyasmin na hindi siya aalis sa bahay. Doon pa rin daw siya kahit may trabaho na. Hindi umaasa si Dax. Mahirap umasa.

ISANG madaling araw, dakong alas kuwatro, bumangon si Dax na ihing-ihi. Halos takbuhin niya ang banyo dahil puputok na ang pantog niya.

Itinulak niya ang pinto ng banyo.

Naroon pala si Hiyasmin at naliligo! Napasigaw!

“Sori, akala ko walang tao!’’ sabi ni Dax.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with