^

Pang Movies

Sanya, pinag-interesan ni VG Mark?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Wala naman palang dapat ipagselos ang shippers nina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Kris Aquino kay Sanya Lopez. Kahit kasama ni VG Mark si Sanya, si Kris pa rin ang nasa isip nito.

Sa isang video, makikitang dinala ni VG Mark si Sanya sa office niya at ipinakita kung ano ang mga nakalagay sa loob.

Sa isang parte ng video, ipinakita ni VG Mark sa kanya ang article ng isang interview at doon, sinabi nito na matagal na siyang may crush kay Kris.

May mga nag-comment sa post ni Sanya sa pag-attend sa Flag Raising Ceremony sa Independence Day sa Batangas Provincial Capitol sa Batangas City. Kahit sinabi na ni VG Mark na Guest of Honor si Sanya dahil nagsagawa ng simultaneous nationwide flag raising ceremony noong June 12 ang GMA Network na dinaluhan ng cast ng Pulang Araw.

Ang lala, may nagtanong pa kung sila pa rin ni Kris dahil kung hindi na, hindi na raw niya iboboto si VG Mark kapag kumandidato uli sa 2025 elections.

Gabbi, rarampa rin sa Miss Manila!

Dahil ginalingan ang pagho-host sa 2024 Miss Universe Philippines, kinuha uling host si Gabbi Garcia sa Miss Manila na ang coronation night ay sa June 22 sa Metropolitan Theater. Makakasama ni Gabbi bilang host si 2023 Miss Universe R’ Bonney Nala Gabriel.

Malapit na ang June 22. Isa sa aabangan sa kanya ay kung ilang beses siyang magpapalit ng gown, at kung sinong designers ang gagawa ng mga isusuot niyang gowns.

Remember sa 2024 Miss Universe Philippines, five gowns ang isinuot niya from different designers. Ang biruan nga, kung nagtagal ang coronation night, baka hindi lang five gowns ang isinuot ni Gabbi.

And speaking of Gabbi, hindi siya nagpakabog sa mga dumalo sa ginanap na Mega Ball suot ang gown na gawa ni Rajo Laurel. For sure, isa sa mga gown na isusuot niya sa Miss Manila coronation night ay gawa ni Rajo.

Luis, ‘di mabanggit ni Peanut!

Pang-Father’s Day ang episode ng vlog ni Luis Manzano na Luis Listens at ang wifey niyang si Jessy Mendiola ang na-interview at kasama sa interbyuhan ang anak nilang si Peanut.

Pinost niya ang screenshots ng mga pahayag ni Luis about family at may sinabi siya na “Okay lang maging busy, pero hindi maging absent.” Pangako rin ni Luis, “’Pag kunwari lumaki na si Peanut, kahit anong busy ko, ‘pag sinabi niyang ‘Papa may school play ako,’ ‘Papa, may intramurals ako,’ kung anuman ‘yun, I’ll be there. Kung kailangan akong sumayaw sa stage kasama ka anak, gagawin ko.”

Kunwari, nagreklamo siya dahil puro raw “Mama” ang binabangit ni Peanut at kahit turuan niya ng “Papa,” si Jessy pa rin ang hinahanap. Pinalalapit niya ito, pero kay Jessy pumunta.

May portion pa sa vlog na finish the sentence at sa sinabi ni Jessy na “It’s hard being a dad because...?” ang sagot niya, “It’s hard being a dad because you want to give more than you have.”

Sa pagpapatuloy ni Jessy at sinabing, “But I love being a dad because...?” ang sagot ni Luis, “I love being one because I see both your eyes.”

Ayon kay Luis, one year and six months na si Peanut, pero in awe pa rin siya at tila hindi pa rin makapaniwala na magkakaroon siya ng anak gaya nito. 

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with