^

Pang Movies

Charlie at anak ni Carlo, nag-bonding

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Charlie at anak ni Carlo, nag-bonding
Charlie. Mithi at Carlo
STAR/File

Natuwa naman kami nang aming makita ang pictures ni Charlie Dizon na karga at yakap-yakap ang anak ni Carlo Aquino sa dati noong girlfriend na si Trina Candaza. Mukhang maligaya naman siya na may instant baby na sa kanilang pamilya. Although ang custody ni Mithi ay nasa pangangalaga pa rin ni Trina.

Maganda rin naman ang ugali ni Trina Candaza, napakagandang gesture iyong hayaan niyang makasama ng ama at ng asawa noon ang kanilang anak. Maaari siyang tumangging ipahiram ang kanyang anak.

Pero sa kaso ni Trina alam niyang malaking kawalan din para kay Mithi kung hindi noon mararanasan ang pagkalinga ng tunay niyang ama, at dahil hindi naman niya maitatago iyon hinahayaan na niyang ang kanyang anak ay makasama ng ama noon at ng kanyang stepmother na rin para magkaroon sila ng isang mas magandang relasyon na mabuti para sa bata.

Suwerte pa nga si Mithi dahil sa ngayon dalawa ang nanay niya.

Celine, handa na ulit mag-concert

Nagulat kami at natuwa sa nakita naming video ni Celine Dion. Sinabi niyang nakahanda na siyang magbalik sa stage. Nakahanda na siyang kumantang muli. Gagawin daw niya iyon hindi dahil sa kailangan niyang gawin o masasabing dapat niyang gawin kundi dahil gusto niyang gawin iyon.

Matagal na nawala si Celine matapos na siya ay ma-diagnose na may isang autoimmune disease na kung tawagin ay “Stiff person syndrome.”

Matagal din ang kanilang gamutan at kahit na affec­ted pa rin siya ng sakit na iyon mukhang mas mahusay na ang kalagayan niya ngayon. Medyo nagkaedad na ang kanyang hitsura at siguro dahil sa tagal ng hindi pagkanta kailangan niyang mag-vocalize muna ng mga ilang buwan bago siya makakanta nang ayos.

Naniniwala kami na ang video statement niyang tiyak na kalat na ngayon sa buong mundo ay naghatid ng tuwa sa fans na matagal na ring hinahanap si Celine.

Marami ang umaasa na sana nga magbalik na si Celine, at sana makarating siya sa Pilipinas.

Ellen, ang daming eklay sa pagbubuntis

Mahirap ding maintindihan kung minsan. Nag-post si Ellen Adarna sa kanyang social media account ng kanyang pictures na buntis siya. Makalipas ang isang oras na-delete niya ang buo niyang account. Hindi alam kung bakit. Tapos makalipas ulit ang isa pang oras active na naman ang kanyang account. Pero deleted na ang pictures niyang buntis siya.

Siguro naisip ni Ellen na kilala siya bilang isang sexy star at baka makasira sa kanyang image iyong makitang buntis siya. Alam na naman ng mga tao na buntis siya, alam namang nagsasama sila ni Derek Ramsay kaya ano ba masama roon hindi naman ito ang una niyang pagbubuntis dahil nagkaroon naman sila ng anak ni John Lloyd Cruz na naka-live in din niya.

Ayaw nga lang siguro ni Ellen na makita ng mga tao ang malaki niyang tiyan. Pero alam naman ninyo ang netizens mabilis iyan sa ganyan lalo na iyong halos maghapon nang nakababad sa computer at cell phones. Ang bibilis na mag-download ng mga ganyan.

Kaya nang dinelete man ni Elle ang kanyang “buntis photos” may mga kumalat pa rin.

Duque, nilabas ang anomalya sa face mask?

Uso na nga yata ang laglagan ngayon. Napansin lang namin na matapos ang mahabang panahon ng pananahimik ni Francisco Duque, ang secretary of health noong panahon ng COVID-19, biglang lumitaw na naman at sinabing iniutos daw ni dating president Digong na ilipat ang mahigit na 47 bilyong pisong budget ng Department of Health sa purchasing office ng department of budget at ang mga iyon ang hinayaang bumili ng bakuna. Face mask at face shield na mukhang nagkaroon ng anomalya.

Aywan kung ano ang sasabihin ni Harry Roque tungkol sa mga bagay na iyan eh busy rin iyong tao sa pagsangga sa mga batikos sa kanya.

Pero bakit nga ba ngayon lang nagsalita si Duque?

vuukle comment

CARLO AQUINO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with