^

Pang Movies

Mga performer, mas dinumog sa Pride event!

Gorgy Rula - Pang-masa
Mga performer, mas dinumog sa Pride event!
Tuwang-tuwa ang lahat na miyembro ng LGBTQIA+ sa suportang ibinigay sa kanila. ‘Yun nga lang, naunsyami ang concert kinagabihan dahil sa sobrang lakas ng ulan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Successful ang ginanap event ng grupo ng LGBTQIA+ na Love Laban 2 Everyone Pride Festival sa Quezon City noong nakaraang Sabado.

Tuwang-tuwa ang lahat na miyembro ng LGBTQIA+ sa suportang ibinigay sa kanila. ‘Yun nga lang, naunsyami ang concert kinagabihan dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Hindi na nila itinuloy para na rin sa kaligtasan ng lahat na dumagsa sa Quezon Memorial Circle.

Mahigit 200K ang dumagsa sa naturang event, pero pinauwi na lang sila dahil sa mas prioritized daw nila ang kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Pero marami rin sa miyembro ng LGBTQIA+ ang nadismaya kahit marami ang dumalo sa naturang event.

Nakita kasi nila na hindi naman para sa ‘laban’ ng LGBTQIA+ ang pakay nila roon kundi para manood sa mga magpe-perform na ang BINI, Vice Ganda at si Gloc 9.

Nakikita naman daw kasi nila na karamihan doon ay para sa performers lalo na ang grupong BINI, hindi maki-ally sa kanilang grupo.

May narinig pa raw silang nagsasabing, “tama na ang kabaklaan, ang BINI na,” na ikina-offend nila.

Kaya para sa kanila, ito pa ang pina-worst na Pride event na ginawa nila sa Quezon City.

Pero ang mahalaga rito ay naiparating daw ang suporta para sa isa’t-isa para sa SOGIE Equality Bill.

Mga nasangkot sa Manila Filmfest scam, ayaw nang balikan ang bangungot

Ipinagdiwang naman ngayon ang Araw ng Maynila, at muling nanariwa ang isa sa pinakamalaking iskandalong nangyari sa Philippine showbiz, ang Manila Filmfest scam, tatlumpung taon nang nakararaan.

Ngayong araw din ang kaarawan ni Ruffa Gutierrez na isa sa nasangkot sa malaking iskandalong ‘yun, na ikina-trauma niya nang husto.

Ang dami nang nangyari pagkalipas ng 30 years, pero si Manay Lolit Solis ang nakaahon sa malaking iskandalong ‘yun.

Kaya niyang harapin ang naturang iskandalo at muling pag-usapan.

Ang ibang nasangkot ay hindi pa rin kayang balikan ang bangungot na nangyari sa kanilang buhay at career. Iniiwasan pa ring pag-usapan dahil pilit nang kinalimutan ang pangyayaring ‘yun.

Sa mga huling henerasyon, wala na silang kaalam-alam sa mga nangyari. Hindi nila alam na nasangkot dito sina Gabby Concepcion, Gretchen Barretto, Aiko Melendez at pati si Edu Manzano.

Hindi na rin nila nakilala kung sino si Nanette Medved na sobrang init pa ng career niya nung panahong ‘yun.

vuukle comment

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with