^

Police Metro

Pinas dapat nakahanda laban sa mga external threat - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagbisita sa Phi­lippine Army’s 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isa­bela na dapat nakahanda ang Pilipinas dahil sa lumalakas na external threat bilang resulta ng tumataas na geopolitical tension sa Indo-Pacific region.

Ayon sa Pangulo, malapit lamang ang Pilipinas sa Taiwan at hindi ­ina­alis ang interes ng China sa Pilipinas kaya mahalagang laging handa ang northern part ng bansa sa anumang mga hindi ina­asahang kaganapan.

“The external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. That is why we have to prepare,” saad ng Pangulo.

Dalawa na aniya ang misyon ng mga sundalo, una ang pagbabantay sa panloob na banta at ngayon ay kasama na ang panlabas na banta kaya mahalagang mabigyan ang Armed Forces of the Philippines ng mga kagamitan, training at mga pasilidad upang mapalakas ang puwersa.

Binigyang-diin ng Presidente na walang binabago ang Pilipinas pagdating sa teritoryo kahit ni katiting subalit hindi papayag na kukunin ng iba ang pag-aari ng bansa na nasa exclusive economic zone (EEZ).

Dahil sa pagbabago ng political landscape at paglutang ng mga bagong banta, nagpasya ang gobyerno na isama ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa pamamagitan ng kolaborasyon sa Estados Unidos.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with