^

Police Metro

17-anyos estudyante pumalag sa amoy ng marijuana, tinodas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang 17-anyos na estud­yante nang saksakin ng kainuman dahil lamang sa amoy ng marijuana, naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si alyas John, residente ng Cluster 23 ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, Quezon City. Habang naaresto ng pulisya ang suspek na si Huck Peter Novela, 23, ng no. 44 Lumot Maya Maya St.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal bago nangyari ang krimen, ala-1:45 ng madaling araw sa Cluster 10 ROTC Hunters ay magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek at ilan pang mga kaibigan.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek nang sabihin ng una sa huli na hindi niya gusto ang amoy ng marijuana.

Dito ay binunot ng suspek ang kanyang swiss knife at inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dahilan ng pagkamatay nito. Habang naaresto ang suspek na kinasuhan ng murder.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with