^

PSN Showbiz

BINI, mamimigay ng reward sa magnanakaw!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI, mamimigay ng reward sa magnanakaw!
BINI

Sa totoo lang, ang massive ng success ng grupong BINI. Parang kailan lang nang ilunsad sila kasabay ng BGYO. Pero ngayon, bongga sila.

Imagine pati standee ng member nila, ninenok na. Ganun ka-obsessed ang fans. May panawagan nga si Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi na ibalik ang nawawalang standee ng isa sa miyembro nila na si Sheena Catacutan.

Sa Instagram reel ay mapapanood ang campaign si direk Lauren na may hashtag “#SheenaHanapHanapKita” para hanapin ang standee na nawala noong June 11. Makatatanggap daw ng reward ang kung sino mang makapagbabalik ng standee ni Sheena. “Hello, Blooms! I hope it’s a good day for all of you. Una-una, I’d like to thank you on behalf of the entire BINI and ABS-CBN Management for all the support you’ve been giving to the girls these past few events. Mara­ming maraming salamat po.

“They were very, very heartwarming events kasi ang dami-dami po talaga sumusuporta ngayon sa ating beloved girls sa BINI. Especially during the BINI Day, matutuwa kami na marami ang pumunta sa first Happy BINI Day celebration natin sa One Ayala,” mensahe ni Direk Lauren.

“I hope hindi siya Bloom, pero malamang at sa malamang, e, Bloom itong taong to, dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee,” ani direk Lauren.

Kaya naman nakiusap ang ABS-CBN boss na sana ay maibalik sa kanila ang standee ni Sheena. “Unang una, nakakalungkot kasi to know that isang Bloom ang puwedeng gumawa nito. Hindi maganda yung pagkukuha ka ng bagay na hindi sa inyo.

“At the same time, very important ito sa amin. Very important, not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI. Gusto namin na kumpleto talaga ang standees ng BINI so that all other Blooms can also enjoy it, have pictures with them,” dagdag pa ng discovery ng BINI.

“Magkakaroon po ng magandang reward, isang surprise na reward sa mga darating na panahon. Magkakaroon ng special reward itong sino man na makakapagbalik sa amin ang standee ni Sheena.

“Kailangan po hindi kayo ‘yung kumuha nun. So humingi po ako ng tulong sa iba pong mga Blooms natin na may alam, o puwede magturo, o puwede magdala pabalik dito sa ABS-CBN ni Sheena.

“So, puwede niyo pong ipagbigay alam sa amin ‘yan kung paano kami, paano natin matutuntun ang nawawalang standee ni Sheena na yan.

“Sabi nga, walo hanggang dulo. So, pakitulungan niyo na po kami mahanap ang nawawalang standee ni Sheena. Hashtag #SheenaHanapHanapKita,” pahayag ni Direk Lauren.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with