Ruffa, inaming gustong balikan ni Yilmaz

Mukhang type makipagbalikan kay Ruffa Gutierrez ng kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas.
Sa contract signing/mediacon ng aktres kahapon bilang bagong Ambassadress ng Luxe Skin, isa nga sa natanong namin sa kanya ay kung bakit ‘boss’ ang tawag sa kanya ni Yilmaz sa isang Instagram reply nito sa kanya.
“Kasi ako ang boss niya. Hindi siya makahanap ng isang katulad ko. Hanap siya nang hanap sa buong mundo. As a matter of fact, he wanted to propose and get married to me again,” dire-diretsong sabi ni Ruffa.
Na-shock ang lahat sa tinuran ng aktres. At maging siya ay hindi rin makapaniwala, “I thought it was a joke,” aniya.
Dagdag pa niya, mga three months ago niyayaya raw siya ni Yilmaz na mag-train travel sila.
“Sabi ko, ‘is this a joke?’ (Sabi niya), ‘no, I want to invite you to be in a train with me’ and mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, ‘totoo ba ‘to Or baka he’s planning my murder on the plane or train,’” sey ni Ruffa. Tawanan ang press.
Sabi pa raw ni Yilmaz ay dadalawin siya dito sa Pilipinas.
“Sabi ko, ‘okay, you’re welcome to visit in the Philippines,’” tsika ni Ruffa.
So, nanliligaw ulit si Yilmaz?
“I don’t say that he’s courting me again. At least, we come to that decision na we can joke and be happy with one another,” saad ni Ruffa.
When asked kung sakali ba na talagang i-pursue siya ni Yilmaz ay bibigyan ba niya ulit ito ng chance at sagot ng aktres, “matagal ko na siyang hindi nakikita, eh. The last time I saw him was, I don’t know, 18 years ago.”
Na-excite ba siya? Kinilig?
“Wala, natatawa ako,” aniya.
Natanong din kay Ruffa kung mayroon bang nagselos o na-threaten sa side niya?
“Ay wala. Kasi ano, eh, confident din,” natatawa niyang sabi.
Of course, ang pinag-uusapan namin ay ang dyowa niya ngayon na knows naman ng marami kung sino.
Aniya ay matured daw kasi ang dyowa niya kaya wala siyang stress.
As for her ex-husband, ani Ruffa, ang alam niya ay single ito.
“Si Yilmaz, alam mo, kahit na sa’ng lupalop siyang umikot sa buong mundo, iisa lang ang Ruffa at alam niya ‘yon,” anang aktres.
Nang tanungin kung mabibigyan ba niya ito ng chance if ever, sey niya ay wala raw at siguro raw ay talagang hanggang friends na lang daw sila.
“Ano lang, I always wish Yilmaz well. And I always wish that he becomes successful in life kasi his success is also the success of my kids. Ano lang kami, we’re best friends now,” sey pa ni Ruffa.
Nang makumusta nga ang estado ng puso niya, aniya ay steady lang at masaya naman daw siya and at peace.
“Wala akong stress, walang nawawala sa gabi na kailangang hanapin mo pa at wala ring nagbibigay sa akin ng ‘O, nasan ka na? Ano’ng oras ka uuwi.’ Ayoko ng gano’n. My gosh, I’d rather be alone than be stressed!
“Happy ako sa life ko ngayon, thank you, Lord. Steady lang lahat, walang problema,” she said.
Samantala, as the new Ambassadress of Luxe Skin, tatlong must-have product ang ine-endorse ng aktres, ang Skin Glowtion, Sofft Matte Lip Cream and Luxe Slim.
Ruffa also embodies the essence of Luxe Skin’s latest campaign, “I am G, Glowing Ruffa G” with CEO and founder Anna Magkawas at the helm.
Sa nasabing mediacon/contract signing ay proud ding sinabi ni Ruffa na ang anak niyang si Lorin ang unang kinuhang endorser ng Luxe Skin at dahil dito ay nakabili ng dream car ang kanyang eldest daughter.
- Latest