^

Pang Movies

1621, ‘Bababa’ para sa Pag-Ibig

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tensyon ng pasimulang pag-ibig ang hatid ng rising P-pop boy group na 1621 sa kanilang bagong awitin na Bababa.

Ikinumpara ng 1621 members na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ ang pagkahulog sa taong iniibig sa paggalaw ng elevator sa bago nilang music offering na magiging bahagi ng kanilang sophomore EP na nakatakdang ilabas ngayong taon.

Isinulat at iprinodyus ito ni Rondy Pangyarihan kasama sina Randy Prasetyo at Juju Maglacas habang nagsilbing executive producers sina ABS-CBN Music operations, content, and creative head Jonathan Manalo, StarPop label head Roque “Rox” Santos, at Perry Lansigan.

Matapos ipamalas ang talento bilang idols sa survival reality show na Dream Maker, inilunsad ng grupo ang kanilang self-titled debut EP noong 2023 kung saan tampok ang mga awitin na Laruan at Ikaw at Ikaw.

Natanggap ng 1621 ang special award bilang PPOP Potential sa PPOP Music Awards 2024. Naging nominado rin sila bilang Best New Performance by a Group sa 37th Awit Awards.

Nitong Enero, nagbalik sila sa music scene dala ang energetic track na Bagamundo na ipinerform nila sa unang leg ng BINIverse World Tour 2025 pre-show na naganap sa Philippine Arena.

Pakinggan ang Bababa ng 1621 na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram at TikTok. 

P-POP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with