Michael, natupad ang pangarap ng ama sa PBB

Twice palang sumubok mag-audition noon si Michael Sager sa Pinoy Big Brother bago pa siya napasama sa Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center noong 2022.
Nag-audition siya for PBB Teen at PBB Connect, pero hindi raw siya sinuwerte. Kaya noong dumating ang pagkakataon na maging housemate siya sa PBB Celebrity Collab Edition, hindi raw siya nagdalawang-isip.
Ang pagpasok daw niya sa PBB house ay katuparan ng matagal na pangarap ng kanyang ama na nag-audition noon sa PBB season 2. Pero dahil nagkasakit daw ang lolo niya kaya nag-back out ang ama niya.
Kaya parang naging misyon ni Michael na matupad ang dream ng ama niya through him kahit na ginawa niyang malayo sa pamilya sa Canada.
“Lumipat ako dito from scratch and wala akong friends – something I really wish I had. I really wanted this dream but ang laking sacrifice was my family and my life in Canada. I would go home to myself, eating and I couldn’t share stories with anybody and I couldn’t tell anything about my day. I really said yes to it because it was my biggest prayer when I started. Full circle moment for me. I don’t know how long I’ll be here, I don’t know how long this will last, I wanna be thankful,” sey ng Sparkle actor na ang tawag sa PBB house bilang Diligent Wonder Son of Marinduque.
Kris, bumalik na sa dating sarili
May dalawang taong tumigil sa pag-arte si Kris Bernal nang manganak sa first baby nila ng asawa niyang si Perry Choi na si Hailee Lucca noong August 2023.
“For 18 years, I dedicated my life to showbiz and then akala ko ‘di na ‘ko makakabalik pero very thankful ako na hanggang ngayon kino-consider pa rin nila ako, may naniniwala pa rin.”
Matapos ang two-year hiatus, nag-guest si Kris sa Tadhana para sa tatlong episode nito. Mapapanood siya sa dalawa pang episode ng weekly drama anthology sa March 15 at March 22.
“Akala ko ‘di na ‘ko marunong umarte, ‘yun ang takot ko. Ayoko tanggapin at first kasi sabi ko, ‘Marunong pa ba ako umarte?’ Tapos syempre ‘pag bumalik ako parang feeling ko mas mataas ‘yung expectation ng mga tao na dapat magaling ka pa rin umarte.”
Hanggang ngayon ay breastfeeding pa rin siya. Kung kailangan siya ng isang taong gulang niyang anak, hindi isyu kung titigil muli siya sa pag-arte dahil prayoridad pa rin niya ito.
“Okay lang ako, wala sa akin ‘yun. Kung kailangan kong i-sacrifice ‘yung sarili ko for breastfeeding, sige. Pero at least ngayon, somehow I can say na nakabalik na ako. Kumbaga parang I’m back to my old self.”
Ray Nicholson, binilinan ng ama
Sunud-sunod ang projects ng 33-year-old son ni Jack Nicholson na si Ray Nicholson.
Ayon kay Ray, retired na sa pag-arte ang kanyang ama na isang 3-time Oscar winner, pero may mga magagandang payo naman daw sa kanya ang 87-year-old Hollywood legend.
“I think that the most important thing is that I find my way. You know, he came up at a completely different time than I did. Filmmakers are different, everything is different, but I think that ‘to thine own self be true’ is the most important thing, and that’s what he left with me is just, whatever it is, be true to yourself,” sey ni Ray na isa sa bida ng action-comedy na Novocaine.
Ang ina niya ay ang dating aktres na si Rebecca Broussard. Lumabas si Ray sa mga pelikulang Promising Young Woman, Licorice Pizza, Panic, Out Of The Blue at Smile 2.
- Latest