Angel, sumaya sa 50 green bones ng tatay na namatay

Ang dami raw green bones na nakuha sa urn ng tatay ni Angel Locsin na kamamatay lang kamakailan.
Nag-post daw pala ang kapatid ni Angel na si Ella tungkol doon.
Bihira nga raw talaga ang merong green bones pero ang tatay nila ay napakarami raw na lumagpas sa 50 na kahit ang nag-cremate ay napabilib.
Nang ibalita nga raw niya iyon sa kapatid na aktres na magang-maga pa sa kaiiyak ay lumiwanag daw ang mukha nito.
Tuwang-tuwa raw talaga ang misis ni Neil Arce na nag-iwan daw ang tatay nila ng green bones.
Nakakatuwa na bigla siyang naging masaya at proud, at noon na lang daw nila ulit nakita ang ngiti ni Angel.
Parang nung oras daw na iyon ay nahanap ng puso nito ang kapayapaan.
Gustuhin man daw sanang ipaliwanag ng kapatid ang tungkol sa scientific explanation ay hindi na lamang daw nito tinuloy.
Hinayaan na lamang niyang maging masaya si Angel.
Kahit ano pa man daw ay ang mahalaga ay iniwanan sila ng ama ng mga pangaral.
Walang duda na kaya mabuti ang puso ni Angel dahil nagmana siya sa ama.
Bongga.
Naging familiar ang lahat sa green bones dahil sa pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na kumita sa takilya.
- Latest