^

True Confessions

Hiyasmin (113)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang nasa loob ng classroom ay ang pangyayari kanina ang nasa isip ni Hiyasmin. Masyadong antipatiko si Rez na pati si Sir Dax ay napansin. Masyado raw matanda para maging boyfriend niya. Siguro ay nasaktan makaraang malaman na may siyota na siya kaya pinintasan si Sir Dax.

Tama lang talaga na sinabi niyang siyota niya si Sir Dax para hindi na siya kulitin. Pakiramdam ni Hiyasmin, malakas ang tama sa kanya ni Rez. Pero napaismid si Hiyasmin­ dahil hindi­ ang tipo ni Rez ang gusto niya —ayaw niya sa ma­ya­bang at pa-impress. Ayaw din niya sa pintasero.

Naisip din naman ni Hi­­yasmin, ano kaya at ikuwento niya kay Sir Dax ang nangyari. Wala naman si­gurong masama kung iku­wento niya.

Mamaya, kapag sinundo siya ni Sir Dax ay ikuku­wento niya. Titingnan niya kung ano ang reaksiyon kapag nalaman na ginawa niyang “boyfriend”.

 

Kinagabihan, pasado­ alas sais ay nagmamadaling lumabas si Hiyasmin. Maagang natapos ang activities nila.

Pagdating niya sa gate ng university ay naroon na si Sir Dax at naghihintay. Anong oras kaya dumating!

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with