^

PM Sports

TNT-GSM series opener bumasag ng record

John Bryan Ulanday - Pang-masa
TNT-GSM series opener bumasag ng record
Ginamit ni TNT Tropang Giga veteran guard Jayson Castro ang kan­yeng eks­per­yensa laban kay Ginebra rookie RJ Abarrientos.
PBA Image

MANILA, Philippines — Binasag ng reigning champion TNT Tropang Giga at crowd darling na Barangay Ginebra ang record gate-attendance sa Ynares Center sa Anti­polo City sa Game One ng 2024 PBA Governors’ Cup Finals noong Linggo.

Nasaksihan ng 11,021 fans ang 104-88 panalo ng Tropang Giga sa Gin Kings para sa bagong crowd record.

Binura nito ang dating markang 10,952 sa quarterfinal double-header tampok ang Ginebra kontra sa Rain or Shine at Petron (San Miguel) kontra sa Meralco noong 2011-2012 Philippine Cup.

Sulit ang panonood ng mga fans sa first half nang magdikdikan ang dalawang magkaribal bago umalagwa sa third quarter ang Tropang Giga.

Inaasahan ang mas ma­raming fans na susugod bukas para sa Game Two ng best-of-seven fi­nals sa Smart Araneta Co­liseum na siyang magi­ging host hanggang Game Six bago bumalik sa Anti­polo kung sakali para sa Game Seven.

Trumangko sa ratsa­da si Jayson Castro na pi­­­natunayan ang kasabihang kalabaw lang ang tu­matanda.

Bagama’t nagpakitang-gilas din ang mga ina­asahang bida, iyan ang ipinaalala ng dating “Best Point Guard in Asia” para sa Gilas Pilipinas nang ku­mamada ng 14 points, 2 rebounds at 2 assists.

Ibinuhos ng 38-anyos na Kapampangan ang 12 sa kanyang total output sa 3rd quarter kung saan nakapagtayo ng 72-62 bentahe ang Tropang Giga patungo sa 16-point win.

Nakatambal ng 8-time PBA champion at 2-time Finals MVP bilang secret weapon ng mga bataan ni coach Chot Reyes ang first-time finalist na si Rey Nambatac na inilista naman ang 12 sa kanyang 18 points sa 4th quarter.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with