Nanay na may stage 4 cancer tinulungan ng Malasakit Center
MANILA, Philippines — Si Florencia de Guzman, 55, ay naharap sa maraming pagsubok sa mga nakaraang taon. Na-diagnose na may stage 4 na breast cancer noong 2021, nanindigan siya bilang testamento sa kapangyarihan ng pag-asa, pananampalataya, at kahalagahan ng suporta mula sa Malasakit Center program—isang inisyatiba na itinataguyod ni Senator Christopher “Bong” Go.
Naalala ni Florencia, ina ng tatlong anak, ang araw na nagbago ang kanyang mundo. Isang ordinaryong araw sa trabaho, bigla siyang nadapa habang naglalakad.
“April 2021 po, naglalakad po ako sa trabaho namin. Natalisod po ako... umuwi ako sa amin, hindi na ako makatayo,” ang kuwento ni Florencia kaya agad siyang humingi ng medikal na atensyon.
Sa panahon ng pagsusuri, si Florencia ay na-diagnose na may stage 4 na kanser. Ang masamang balita ay nakaapekto nang malaki sa kanyal, lalo para sa kanyang mga anak, sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanila kung mawala siya.
Desididong ipaglaban ang kanyang pamilya, hiniling ni Florencia sa mga doktor na gawin ang lahat ng makakaya upang matulungan siya. Ang mga paggamot ay nakapapagod, nangangailangan ng regular na PET at CT scan—na parehong napakamahal.
Dito pumasok ang Malasakit Centers sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, na nag-aalok sa kanya ng lifeline sa kanyang pinakamadilim na sandali.
“Maraming, maraming salamat po sa Malasakit dahil natulungan po nila ako nung magpa-PET scan sa National Kidney,” aniya nang may pasasalamat. Bawat PET scan ay napakamahal kaya ang tulong na natanggap niya sa Malasakit Center ay napatunayang napakahalaga.
- Latest