^

Police Metro

Rider tinakasan ang nabangga, tepok sa concrete barrier

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Rider tinakasan ang nabangga, tepok sa concrete barrier
File photo of motorcycle accident.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 29-anyos na rider nang sumalpok sa concrete barrier matapos takasan ang kanyang nabanggang kapwa rider, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Yang, 29, high school graduate, construction worker at residente ng Corocan Talisay Brgy. Payatas, Quezon City.

Sugatan naman si Pastor Moises Ganiban, 51, ng No. 814 Mindanao St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City at kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District- Traffic Sector 5, alas-6:00 ng gabi nitong Linggo nang maganap ang aksidente sa harap ng Payatas Elementary School, Brgy. Payatas, Quezon City.

Nabatid na sakay si Yang ng kanyang motorsiklo na Rusi Sigma 250 CC Motorcycle sa Montalban patungong Commonwealth Avenue nang mabangga si Ganiban na sakay naman ng kanyang Honda click na motorsiklo at matumba.

Sa halip na huminto, pinaharurot ni Yang ang kanyang motorsiklo hanggang sa sumalpok sa concrete barrier na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with