^

PSN Showbiz

KathDen fans, hopiang-hopia sa HLG 2!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
KathDen fans, hopiang-hopia sa HLG 2!
Alden Richards and Kathryn Bernardo.
STAR/ File

Trending kahapon sa X si Alden Richards pagkatapos in-announce ng Star Cinema at GMA 7 ang collaboration ulit nila na magkakaroon daw ng official announcement bukas ng gabi.

Ang inaasahan ng lahat na ia-announce ay ang sequel ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden.

Hopiang-hopia dito ang KathDen fans, kaya ang dami nang nagpo-post nito sa social media.

Ang galing nga ng fans na may mga nakukuha silang nakakakilig na tagpo nina Alden at Kathryn. Meron pang interview kay Alden na nagkabulol-bulol ang sagot sa tanong kung nanliligaw ba siya kay Kathryn.

Pero nandyan pa rin ang KathNiel na naba-bash pa minsan si Alden, at hindi pa rin sumusuko ang mga AlDub fans, kahit may sarili ng career at buhay si Maine Mendoza.

Ayon sa ilan pang napagtanungan namin, bandang July o August daw ang shooting nitong sequel ng Hello, Love, Goodbye na may ilang eksenang kukunan daw sa Hong Kong, bago sila tumuloy sa Calgary, Canada.

Meron pang Pulang Araw si Alden, pero isisingit muna itong pelikula.

Habang nasa Canada raw si Alden ay se-segue pa raw ito sa Sparkle US tour bandang August.

Ang isa pang narinig namin, kung aabot daw sa deadline, baka i-submit daw itong KathDen movie sa 50th Metro Manila Film Festival.

Julie Anne, ‘di nagmamadaling ikasal kay Rayver!

Kahapon naman ay ipinagdiwang ni Julie Anne San Jose ang kanyang 30th birthday.

Wala naman daw siyang bonggang-bonggang birthday celebration, pero noong kamakalawa ng gabi ay nag-dinner date na sila ni Rayver Cruz.

Pagkauwi nila ay sinorpresa ni Rayver si Julie Anne via Zoom na tinutugtugan niya ng Happy birthday ng kanyang electric guitar.

Kahapon ay pamilya lang daw ang kasama ng Limitless star, at malamang kasama rin si Rayver.

Malapit nang magsimula ang season 6 ng The Clash at pang-limang taon na itong pagsasama nina Julie Anne at Rayver bilang hosts. Doon na sila nagkadebelopan.

Kaya tinanong namin via text si Julie Anne na ngayong 30 na siya, marrying age na nga kaya ito para sa kanya? “For some people maybe, maybe not. But for me hindi dapat minamadali ang pagpapakasal, in God’s time ‘yun kapag naramdaman n’yo na pareho na ready na sa panibagong chapter ng buhay together,” sagot ni Julie Anne.

May sinasabi rin kasing “Life begins at 30.”

“I guess po, mas mature na mag-isip, and mas responsible since adulting na. And with the help of my parents na nandiyan palagi sa tabi ko to guide me sa lahat ng mga decisions in life,” saad ng Limitless star.

Bukod sa The Clash ay paghahandaan na rin ni Julie Anne ang US tour ng Sparkle na nakatakda na sa Aug. 9 sa Anaheim, California at sa Aug. 10 sa San Francisco, California.

vuukle comment

ALDEN RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with