^

Pang Movies

Arra, ‘hard no’ sa third party kina Yen at Paolo!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Arra, âhard noâ sa third party kina Yen at Paolo!
Arra

“No. Hard no!” Ito ang sagot ni Arra San Agustin sa issue na may kinalaman daw siya sa hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos.

Ayon sa Kapuso actress, noong 2023 pa raw nagsimula ang pagkaka-link niya kay Paolo noong magkasama sila sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga).

Binigyan daw ng malisya ‘yung love triangle skit nila sa show kasama si Kapuso comedian Betong Sumaya. “’Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw ‘yung third party, so nag-start po ‘yan last year. Tapos for some reason, nag-resurface po siya, itong news na ‘to, and fake news, fake ‘yung source, dun po siya galing and I don’t know why karamihan sa mga tao naniniwala,” paliwanag ni Arra.

Mensahe niya na huwag agad maniwala sa mga lumalabas na fake news sa social media. “We can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo. They draw conclusions like, ‘Hay ba’t ganiyan, ba’t ganiyan ‘yung ginawa, ba’t pumayag kang maging third party?’ Ganun ‘yung mga comments nila sa ‘kin. Parang ako, ‘Wow, you know too much,’” sey niya.

Dahil na rin kasi single rin siya since 2022 kaya nali-link siya kay Paolo. Pero nag-uusap na raw ulit sila ng ex-boyfriend niyang PBA player na si Juami Tiongson.

Royce, nagbago ang isip dahil sa Fuccbois

Muntik na palang magtrabaho sa ibang bansa si Royce Cabrera kung hindi pa dumating ang isang pelikula na magpapabago ng career niya.

Ilang taon na rin daw siyang nakakontrata noon sa Star Magic ng ABS-CBN 2 pero wala raw nangyayari. Noong naka-graduate siya sa kursong BS Construction Engineering and Management from Mapua University, naisip na niyang magtrabaho sa Singapore kung saan nagtatrabaho ang mga magulang niya.

“Humingi ako ng sign. ‘Pag nakuha akong lead role sa pelikulang Fuccbois sa Cinemalaya, ituloy ko ang showbiz. Kung hindi ako nakuha, aalis na ako talaga,” sey niya.

Noong mapunta kay Royce ang role at nakakuha siya ng ilang acting nominations para sa Fuccbois, lumipat siya sa Sparkle GMA Artist Center kunsaan sunud-sunod ang projects niya.

Kasalukuyang napapanood siya sa Widows’ War at sa Metro Manila Film Festival official entry na Green Bones.

J.Lo at Ben Affleck, may koneksyon pa rin

Kahit divorced na, friends pa rin ang ex-Hollywood couple na sina Jennifer Lopez and Ben Affleck. Kailan lang ay nakita silang dalawa na nag-e-exchange gift sa Soho House in Los Angeles last Dec. 22.

Sa interview ni J.Lo sa British Vogue, ini-embrace na lang daw niya ang pagiging divorced for the fourth time.

ARRA SAN AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with