^

Pang Movies

Xian, nilait sa suot na palda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, nilait sa suot na palda!
Xian Lim

Kung ang GMA may South Korean actor sa Black Rider, ang Viva Films may Thai actor sa pelikulang Kuman Thong. Dumalo nga sa premiere night ng movie si Max Nattapol at tuwang-tuwa ito na pinagkaguluhan siya ng fans at game ring makipag-picture taking.

May interview sa Thai actor sa premiere night at sinagot ang mga tanong kung paano siya nakuha ng Viva Films. Pinost ni Max sa Instagram ang videos at photos sa premiere night at sabi, “Thanks for the love Philippines. See you in cinema July 3 (today na ang opening ng horror movie).”

Rumampa rin sa premiere night sina Xian Lim na director ng Kuman Thong at Iris Lee na producer ng movie for Viva Films. Ang tawag sa pagrampa nila nang sabay ay debut raw nila as a couple. Hindi nagpa-interview sa press si Iris at ang sinabi lang ay very proud siya kay Xian.

Dumalo sa premiere night si Xian na nakasuot ng kilt and as expected, may nam-bash sa kanya. Hindi raw bagay sa kanya ang naka-palda at si Pablo lang ng SB19 ang bagay mag-palda.

Sharon, magiging kapamilya na ulit!

Si Sharon Cuneta pala ang big star na babalik sa ABS-CBN. This Wednesday siya pipirma ng kontrata at may gagawing teleserye under Dreamscape Entertainment.

Balik-teleserye siya at siguradong paghahandaan ng Dreamscape ang comeback project niya. Matatanong din siguro siya sa comment ni Dennis Trillo kung may ABS pa ba at hintayin natin ang magiging sagot ni Megastar.

Samantala, nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ni Manny Castañeda na matagal niyang nakatrabaho as a writer at co-star na rin sa mga ginawa niyang pelikula. Nagpasalamat si Sharon “Thank you for touching my life, doing a great job with me on my show, inspiring me to be better not just at work but as a person. Thank you for your friendship,” sabi ni Sharon.

Jennylyn, damay sa bashing ni Dennis

Hindi naman siguro si Jennylyn Mercado ang tinutukoy sa blind item na “Dahil maraming nagtatanong kung may ABS pa ba? Isang malaking bituin ang biglang tinawagan ng ABS-CBN upang ituloy ang pirmahan ng kontrata.

“Abangan ang anunsyo mga Kapamilya.

“P.S. Isang malaking sampal ‘to sa kanya.”

May kasunod na tweet kaming nabasa at ang sabi naman, “Not related ‘to sa pangyayari kagabi. When I say “malaking bituin,” totoong artista ang mini-mean ko. So walang entry ang GMA sa usapang big star.”

Kaya namin nasabing hindi si Jennylyn ang pipirma dahil may statement ang manager nitong si Becky Aguila ng Aguila Entertainment na loyal sa GMA ang aktres. Kaya may ibang hula ang fans kung sino ang big star na pipirma sa ABS-CBN.

Anyway, binisita namin ang Instagram ni Jennylyn, may fans na nagtatanong kung lilipat ba siya sa ABS-CBN. May mga nakiusap na ‘wag na siyang lumipat at may mga sinabi silang rason.

May mga nagsumbong naman kay Jennylyn sa ginawa ni Dennis Trillo at pagsabihan daw ang husband niya na maging careful sa mga pino-post sa social media. Hindi lang daw si Dennis ang naba-bash, pati siya. May mga nabasa na nga kami na hindi nila susuportahan ang single o album ni Jennylyn na ire-release ng Star Music.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with