^

Pang Movies

Elijah, biglaan ang pamamaalam!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Katapusan na nga ni Pablo (Elijah Canlas) matapos ang maaksyong bakbakan nila ni Tanggol (Coco Martin) na ikinagulat ng netizens sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Natupad na rin ni Tanggol ang pangako niyang maghiganti kay Pablo sa pananakit na ginawa nito kay Bubbles (Ivana Alawi) matapos mag-isang sugurin ni Tanggol ang buong pwersa ni Pablo. Sinubukan pang tumakas ni Pablo pero hindi na ito nakaligtas.

Wala na ring nakapigil sa gigil ni Tanggol kaya pati ang kakuntsaba ni Pablo na si Ruben (Yce Navarro) ay nadamay sa matinding salpukan.

Bago nito, nasaksihan ng mga manonood kung paano pinagplanuhan ni Tanggol ang paghihiganti niya kay Pablo sa episode noong Hulyo 2 kung saan nakamit ng serye ang panibagong viewership record na 532,780 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Sunud-sunod na maaaksyong tagpo ang dapat pang abangan ng mga manonood dahil nakatakdang magharap sina Tanggol at David (Mccoy De Leon). Malalagay pa sa delikadong sitwasyon si Tanggol dahil manggagalaiti sa galit si David at magbabantang papatayin niya si Tanggol.

Matindi ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with