Award-winning Hollywood actor, sumali sa paglaban sa paninira sa GeoReserve
MANILA, Philippines — May panawagan at pakiusap ang award winning Hollywood actor at environmental advocate Leonardo DiCaprio kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay ang protektahan ang Masungi GeoReserve sa Baras, Rizal.
Naka-tag nga si Pres. Bongbong sa post ni Leonardo kalakip at photos at video ng GeoReserve.
“Masungi is a lush montane rainforest landscape outside of Manila, the bustling capital of the Philippines. In the late 1990s, much of Masungi was illegally deforested. Local communities fostered the development of the @masungigeoreserve, spurring efforts to restore this precious ecosystem. From these conservation initiatives, trees were able to grow taller, wildlife numbers slowly increased, and more locals became involved in protecting this ecosystem.
“Now this success is in jeopardy, as the Department of Environment and Natural Resources threatens to cancel the agreement that protects this area from prolific land grabbing activities. This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” unang bahagi ng post ng mahusay na actor.
Dagdag niya pa: “Join local rangers in calling on President @bongbongmarcos to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action. Protect Masungi Georeserve - link in bio.
“Photo credit: Renz Perez for Masungi Georeserve Foundation - [Left to right] Monica Inonog, John Paul Magana, and Kuhkan Maas lead a team of forest rangers, tasked with protecting critical areas plagued by illegal activities inside the Masungi Georeserve.
“Video credit: Kal Joffres.”
Kaagad namang nagpasalamat ang mga celebrity sa ginawang panawagan ni Leonardo na dinaig pa ang mga local artist na mas enjoy mag-post ng mga idol nilang Korean pop kesa pigilan ang ganitong pagkasira sa GeoReserve.
Dahil sa nasabing post, aware na ang marami tungkol dito.
Si Leonardo ay may 61.7 million followers.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot ang account ni PBBM.
Ang Masungi Georeserve, isang mahalagang conservation area, ay nahaharap sa malalaking banta mula sa mga proyekto sa pagpapaunlad at mga ilegal na aktibidad, sa kabila ng kritikal na papel nito sa biodiversity conservation at ecosystem restoration.
Sikat na Bahay ni Kuya, may mga bagong kasambahay
Handang-handa na ang Bahay ni Kuya sa muling pagbubukas nito.
Kahapon ay nagpa-tour sila sa entertainment media.
Hindi ko naman first time nakapasok sa PBB house, pero hinahanap namin ang mga camera kahapon dahil baka pag nag-CR ka, may nakatutok pala.
Kidding aside, alam mo ‘yun, parang kelan lang nang buksan ‘yun, pero 19 years na pala this year.
Yup, parang kailan lang nung una nating mapanood ang PBB at buksan ang pinakasikat na bahay pero almost two decades na pala.
Viral din noon ang kantang Pinoy Ako dahil din sa PBB.
Kahapon nga ay humarap na sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Enchong Dee, at Alexa Ilacad bilang mga host na muling pagbubukas nito. Excited daw sila sa paparating na Gen 11.
Kasama ring magho-host si Kim Chiu pero hindi ito nakadalo dahil nasa It’s Showtime.
Unang sabak naman ito ni Alexa sa hosting.
Noong nakaraang Abril nang ihayag nila ang title ng season habang inaanunsyo nito ang mga petsa ng audition para sa mga aspiring housemate – PBB Gen11.
Ayon kay Bianca Gonzalez, umabot sa kabuuang 20,157 na aspiring housemates ang lumahok sa ground auditions, habang 15,749 ang nagsumite ng kanilang online application.
Sa 35,906 auditionees, pinili ng show ang bagong batch ng PBB housemates.
“Finally ‘yung 35,000 plus na ‘yan, si Kuya at ang kanyang team ay nakahanap ng 67 na naka-shortlist for the final casting,” saad ni Ms. Bianca na naging poste na sa programa sa ginanap na media conference kahapon sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Ang galing. Natutuwa ako kasi sa maikling oras na nakasilip ako may galing sa US, sa Mindanao, may galing Visayas, Luzon, so it’s a good mix talaga,” dagdag pa ni Bianca kahapon.
Mula July 15 up to Hulyo 19, ang mga bagong housemate ay ipapakita sa pamamagitan ng Star Hunt The Audition Show na hino-host ni Melai.
Ipapakita rin ang mga paglalakbay ng libu-libong mga aspiring housemate at Star Magic hopefuls. At isa-isang ipakikilala ang mga ito kada araw.
At sa July 20, ang grand kickoff ng PBB Gen11.
Ang last season ng hit reality show – Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 – ay nagtapos noong May 2022 na ang grand winner ay si Anji Salvacion.
- Latest