^

Pang Movies

Santino nina Claudine at Raymart, mala-K-pop idol!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Santino nina Claudine at Raymart, mala-K-pop idol!

Hindi pa talaga okay sina Claudine Barretto at Raymart Santiago at ang katatapos na 20th birthday celebration ng panganay nilang si Sabina Barretto ang patunay.

Dumalo si Raymart sa birthday party ng anak, pero wala silang photos ni Claudine na magkasama.

Sa nakita naming photos, ang mga anak na sina Sabina at Santino lang ang kasama ni Raymart at may hiwalay na photos si Claudine with the two. Wala ring larawan si Raymart na kasama ang dalawa pang anak ni Claudine na in-adopt nito nung hiwalay na sila ng ex.

Curious ang netizens kung nag-usap man lang ba sila habang nasa party o kahit nagbatian man lang. Hindi pa nila pino-post pareho ang photos sa birthday party ni Sabina.

Pinansin ng netizens ang kagwapuhan ni Santino at ang kaputian at pagiging makinis. Para raw K-pop idol ang anak nina Raymart at Claudine at comment nila, Santiago na may Barretto ang kutis. Yayamanin daw ang hitsura nito.

Natawa kami sa nag-comment na si Sabina ang may birthday, pero puro Santino ang comments ng netizens. Pinansin din naman ang laki ng ipinayat ni Claudine kaya lumutang na naman ang ganda nito.

Pulang…, ipalalabas hanggang Amerika!

Masaya ang Pinoy fans based in the US na nag-request sa GMA Network na sana ipalabas din sa Netflix USA ang Pulang Araw. Sa latest update, mapapanood na rin sa US at sa UK ang historical family drama series ng GMA 7.

Nakalagay sa website na The Independent UK, magiging available sa US at UJ Netlix ang Pulang Araw sabay ng July 26, streaming ng Netflix Philippines. Makakasabay nito ang ilang Netflix original series na The Dragon Prince at Elite.

Airing naman sa GMA Prime, Pinoy Hits at Kapuso Stream ang series simula July 28, 8 p.m., at may delayed telecast sa GTV at 9:40 p.m.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with