^

PSN Palaro

Arellano balik sa Final Four

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakabalik na ulit sa magic four ang Arellano University matapos nilang kalusin sa limang sets ang University of Perpetual Help System DALTA, 19-25, 23-25, 25-22, 25-14, 19-18 kahapon sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa EAC Gym.

Nagtulungan sa opensa sina Samantha G­abrielle Tiratira, Pauline De Guzman, Laika Tudlasan at Marianne Lei Angelique Padillon upang ibigay ang mahirap na panalo sa Lady Chiefs na nalagay sa hukay ang isang paa ng maunahan sila ng Lady Altas sa unang dalawang sets.

Matapos matisod sa sets 1 at 2, ay biglang bu­ma­ngis sina Tiratira, De Guzman, Tudlasan, Padillon kasama na rin si Catherine Domasig para harurutin ang panalo sa huling tatlong frames.

Dahil sa panalo, inupuan ng Lady Chiefs ang No. 4 tangan ang 10-6 record, may dalawang laro pa silang natitira sa second round eliminations kaya may tsansa pa silang mapaganda lalo ang kanilang karta.

Tumikada si Tiratira ng 21 points mula sa 19 attacks at tig-isang block at service ace, tig-18 ang kinana nina Tudlasan at De Guzman habang bumakas sina Padillon at Domasig ng 17 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na laro ng Arellano sa Miyerkules kontra Emilio Aguinaldo College sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan.

Nabale-wala ang 28 puntos na tinikada ni Shaila Allaine Omipon dahil nalasap ng Lady Altas ang pang anim na talo sa 15 salang.

Pero may pag-asa pa ang UPHSD na makapasok sa semifinals, kaila­ngan lang nilang magpanalo sa tatlong nalalabing laban.

Samantala, gumapang ang Lyceum of the Phi­lippine University upang ilista ang reverse sweep para payukuin ang Emilio Aguinaldo College, 15-25, 21-25, 25-22, 25-22, 15-13 sa unang laro.

EAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with