No Problem
Closing na ng Asian Games sa Japan today.
Dehins natin nakuha ang target na eight gold medals. Maraming nakalusot sa Pinoy athletes.
Isa na ‘yung kay Alex Eala sa tennis. Nadisgrasya tayo sa semis kaya bronze ang Pinay superstar.
Masakit ang pagkatalo ni Eala sa isang Chinese player.
Sabi nga ng isang Pinoy sportswriter na nasa Japan, si Riera “Super-Duper” Mallari, bumigat ang mga paa nila.
Pero with four golds, 9 silver and 16 bronze medals, kung wala nang nabingwit kahapon, dehins nakakahiya.
Para sa akin, successful failure ang campaign natin.
I’m sure agree sila POC president Bambol Tolentino at PSC chairman Pato Gregorio.
Failure na dehins naka-walong gold pero success na marami tayong medalya. One, mas marami kesa sa 2023 sa China (4 gold, 2 silver, 12 bronze). And two, most medals ng Pinas since 1966.
Isang senior citizen. Sixty years ago nung manalo tayo ng 2 gold, 15 silver at 25 bronze para sa total na 42 medals sa Bangkok.
Mula noon, itong 29 medals na ang pinakamalaking hakot natin.
At konting history, si Ferdinand Marcos Sr. ang presidente natin nung 1966. At ngayon, si Ferdinand Jr.
Siguradong masaya si BBM once bisitahin siya ng Asian Games medalists sa Malacañang. Tiyak may bonus sila.
Maagang Pamasko!
- Latest





















