^

PSN Palaro

Marcial dismayado sa silver finish ni Paalam

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marcial dismayado sa silver finish ni Paalam
Eumir Marcial at Carlo Paalam
STAR / File

MANILA, Philippines — Dismayado rin si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial sa nangyari sa gold medal match ni Carlo Paalam sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Lumasap si Paalam ng split decision loss kay Rui Yamaguchi ng host Japan sa finals upang magkasya lamang sa pilak na medalya.

Maganda ang inilaro ni Paalam matapos kumunekta ng mga solidong suntok sa buong panahon ng laban. Subalit hindi pumabor ang kapalaran sa Pinoy pug.

Ibinahagi ni Marcial ang naging karanasan nito noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China kung saan natalo rin ito sa finals.

“Way back at the 2023 Asian Games in Hangzhou, China, I also felt that I was robbed in the finals. I thought I had won the fight and would bring home the gold for the Philippines in Asian Games boxing after 13 years,” ani Marcial.

Matatandaang natalo si Marcial kontra kay Tang­latihan Touhetaerbieke ng host China para magkasya rin sa silver.

Gayunpaman, tinanggap na lamang ni Marcial ang naging desisyon at nagmove on na lamang.

Kailangang kalimutan na ang mapapait na karanasan upang maisentro ang atensiyon sa panibagong mga pagsubok at mga darating na laban.

Nagbigay ito ng congra­tulatory message kay Paalam sa nakamit nitong tagumpay sa Asian Games.

“Congratulations, tol,” ani Marcial.

CARLO PAALAM

EUMIR MARCIAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with