^

PSN Palaro

Team Philippines uuwi sa Agosto 13

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabay-sabay na uuwi ng Pilipinas ang Team Philippines matapos ang matagumpay na kampanya nito sa ginaganap na 2024 Paris Olympics.

Nakatakda ang pagbabalik bansa ng delegasyon sa Agosto 13 sa Ninoy Aquino International Airport kung saan inaasahang dudumugin ang mga ito ng Pinoy fans.

Nangunguna sa listahan ang inaabangang pagbabalik ni world champion Carlos Edriel Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa gymnastics.

Kasama ni Yulo sina Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas na parehong umani ng tansong medalya sa kani-kaniyang dibisyon sa women’s boxing.

Kinumpirma mismo ni Yulo ang sabay-sabay na pag-uwi ng delegasyon na inaasahang lalatagan ng pulang karpet dahil sa impresibong kampanya nito sa Paris Games.

Magarbo ang ratsada ni Yulo na nakaginto sa men’s floor exercise at men’s vault para maging kauna-unahang Pinoy na nakasiguro ng dalawang ginto sa Olympics.

Dahil dito, bumuhos ang biyaya para kay Yulo.

Tatanggap ito ng P20 milyon mula sa gobyerno kasama pa ang hiwalay na pabuyang ibibigay ng iba’t ibang pribadong indibidwal at grupo.

Sa kabilang banda, nakasisiguro na rin ng tig-P2 milyon sina Petecio at Villegas kasama pa ang mga dagdag na pabuya galing sa private sector.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with