Helena kinuha ng Highrisers
![Helena kinuha ng Highrisers](https://media.philstar.com/photos/2024/06/28/mikasa_2024-06-28_20-19-05.jpg)
MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na Brazilian import ang isasalang ng Galeries Tower para sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Kinuha ng Highrisers si outside hitter Monique Helena na maglalaro sa una niyang international competition.
Unang sumalang si Helena noong 2017 para sa Lavras Vôlei bago lumipat sa Itambé/Minas, Minas Náutico, Bluvolei Furb SME, Vôlei Taubaté at ABEL Moda Volei.
Maliban kay Helena ay hinugot din ng Galeries Tower sina free agents Roselle Baliton at Shannen Palec sa off-season.
Maaari pang lumakas ang Highrisers sa pagpili ng mga rookies at free agents sa darating na PVL Rookie Draft sa Hulyo 8.
Determinado ang Highrisers na mapaganda ang kanilang 10th place finish sa nakaraang PVL All-Filipino Conference.
Ang iba pang imports na hahataw ay sina Erica Staunton (Creamline), Zoi Faki (Choco Mucho), Khat Bell (Chery Tiggo), Elena Samoilenko (PLDT Home Fibr), Marina Tushova (Capital1 Solar Energy) at MJ Perez (Cignal HD).
- Latest