^

PSN Palaro

Capital1 nagpalakas pa!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Capital1 nagpalakas pa!
Sina Capital1 Solar Spikers team owners Mika at Mandy Romero (ika-3 at ika-4 mula kaliwa) kasama ang mga bagong miyembro ng koponan na sina (mula kaliwa) Ayumi Furukawa, Marina Tushova, Iris To- lenada, Julia Ipac at Maria Shola Alvarez.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Handa ang Capital1 Solar Energy na makipagsabayan sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na pormal nang magsisimula sa buwan na ito.

Ito ay matapos kunin ng Capital1 Solar Energy ang serbisyo ng Russian outside hitter at apat pang beteranong local players.

Tatayong import ng Ca­pital1 Solar Energy si Russian Marina Tushova na malalim ang karanasan sa professional leagues.

Mainit itong tinanggap nina Capital1 Solar Ener­gy team owners Mandy Romero at Milka Romero kung saan optimistiko ang dalawa na malaki ang ma­itutulong ni Tushova sa kampanya ng kanilang tropa.

“We hope to bring more excitement to the fans that’s why we took her and the four other local players,” ani Mandy Romero.

Pasok na rin sina Ayumi Furukawa, Iris Tolenada, Julia Ipac at Maria Shola Alvarez para tulungan ang Capital1 Solar Energy sa ratsada nito sa Reinforced Conference.

Excited na rin ang Capital1 Solar Energy sa kauna-unahang 2024 PVL Draft na gaganapin sa Hulyo 8 sa kung saan ang kanilang koponan ang pipili ng No. 2 pick.

Target ng Capital1 Solar Energy na makakuha ng mahusay na attacker para mas lalo pang lumalim ang lineup nito.

“Whoever coach Roger Gorayeb and team will pick, we are certain she must be good,” ani Milka Romero ang panganay na anak ni Rep. Mikee Romero (1Pacman) na dating godfather ng PH amateur basketball.

Nasilayan sa aksyon si Tushova para sa Sparta Nizhny Novgorod sa Russia.

Halos isang buwan na si Tushova sa Pilipinas upang makabuo ng che­mistry sa kanyang bagong team.

CAPITAL1

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with