Obiena laglag sa No. 4 sa world rankings
MANILA, Philippines — Mula sa pagiging No. 3 ay bumagsak si Pinoy bet EJ Obiena sa No. 4 spot sa pinakabagong World Athletics men’s pole vault rankings.
Naglista ang 6-foot-2 na si Obiena ng kabuuan 1409 points sa kanyang kampanya sa taong 2024 sa likod nina No. 1 Armand Duplantis (1625) ng Sweden, No. 2 Sam Kendricks (1453) at USA at No. 3 Emmanouill Karalis (1426) ng Greece.
Nakaapekto sa 29-anyos na Pinoy pole vaulter ang kanyang back injury na ininda niya habang sumasabak sa 2024 Paris Olympics Games noong Agosto.
Bigo si Obiena na makalundag ng medalya sa nasabing quadrennial event na pinagharian ni Duplantis para sa gold medal kasunod sina Kendricks at Karalis para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikalawang sunod na Olympics appearance ni Obiena na minalas din sa una niyang salang sa 2020 edition sa Tokyo, Japan.
Kasakukuyang nagsasanay si Obiena sa Dammam, Saudi Arabia.
- Latest