^

PSN Palaro

Jema may misyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jema may misyon
Jema Galanza

MANILA, Philippines — Desidido si dating Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals MVP Jema Galanza na matulungan ang Creamline Cool Smashers na maabot ang inaasam na ika-11 korona sa liga.

Hawak ni Galanza ang 34.52 efficiency sa spiking department kabilang ang 24 points, 17 receptions at siyam na digs sa kanilang huling laro.

Ngunit walang balak tumigil si Galanza dahil nais pa nitong makatulong sa kanyang team.

“Kailangan pang mag-improve para makatulong sa team,” ani Galanza.

Subalit sa likod ng matatalim na atake, magagandang receives at solidong blocks, may konting adjustments pa na ginagawa si Galanza para bumalik ang sistema ng Creamline sa kanyang paglalaro.

Matagal-tagal ding hindi nakasama ng Cool Sma­shers si Galanza dahil naging bahagi ito ng Alab Pilipinas sa kampanya nito sa mga international competitions.

Hindi ito nakapaglaro sa 2024 Reinforced Confe­rence gayundin sa 2024 Invitational Conference dahil nakapullout ang lahat ng miyembro ng national team sa kani-kanyang mother teams.

Kaya naman nang magbalik ito sa Cool Smashers, malaking adjustments ang ginawa nito para muling makuha ang sistema.

“Nag-adjust ako dahil matagal din ako nawala sa team kaya nung bumalik ako sa team, nag-adjust talaga ako,” ani Galanza.

Masaya si Galanza na maganda ang samahan sa loob ng Creamline squad kaya’t hindi naging mahirap na maibalik ang chemistry nito sa team.

Kaya naman maganda ang resulta nito para sa Cool Smashers na may malinis na 4-0 rekord sa kasalukuyang kumperensiya ng liga.

JEMA GALANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with