‘Twice-to-beat’ pakay ng SMB sa Magnolia
MANILA, Philippines — Itatagay ng San Miguel ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat incentive’ sa quartefinal round ng Season 48 PBA Philippine Cup.
Makakatapat ng Beermen ang Magnolia Hotshots ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang laban ng Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Solo ng San Miguel ang liderato bitbit ang 7-0 record kasunod ang Magnolia (5-2), Barangay Ginebra (6-3), NLEX (5-3), TNT Tropang Giga (5-4), Rain or Shine (5-5), Terrafirma (5-5), NorthPort (4-6), Blackwater (3-5), Meralco (3-5), Phoenix (3-6) at sibak nang Converge (1-8).
Nagmula ang Beermen sa 120-100 pagmasaker sa Batang Pier, habang umiskor ang Hotshots ng 108-102 panalo sa Elasto Painters.
“I always say this - if we share the ball, we’re a great team. If we don’t, we’re a normal team,” sabi ni SMB coach Jorge Gallent.
Sumasakay ang Magnolia ni mentor Chito Victolero sa isang four-game winning streak matapos ang 1-2 panimula.
Sina seven-time PBA MVP JUne Mar Fajardo, CJ Perez, Terrence Romeo, Mo Tautuaa at Marcio Lassiter ang muling babandera sa Beermen kontra kina Ian Sangalang, Mark Barroca, Paul Lee, Aris Dioniosio at Calvin Abueva ng Hotshots.
Sa unang laro, mag-uunahan ang Meralo at Phoenix na makabangon mula sa kabiguan para buhayin ang tsansa sa quarterfinals.
“Kung sino manalo, may chance talaga para umangat,” ani Bolts’ coach Luigi Trillo sa pagharap nila sa Fuel Masters na nasa four-game losing slump.
- Latest