PH weightlifting team target maka-medal sa Paris
MANILA, Philippines — Desidido ang national weightlifting team na makapag-ambag ng medalya sa kampanya ng Team Philippines sa 2024 Paris Olympics.
Handa sina weightlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza na gawin ang lahat para makapasok sa podium.
“Yung goal ko makakuha ng medal sa Olympics. I want to break the mentality that you should just look for exposure in your first go, I want to medal right away,” ani Sarno.
Nakapasok sa Olympics si Sarno matapos ang ikalimang puwestong pagtatapos nito sa women’s 71kg Olympic Qualification Rankings (OQR).
Sa nakalipas na International Weightlifting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand nagrehistro ng bagong national record si Sarno tangan ang 110 kg at 135 sa clean and jerk para sa total lift na 245 kg.
Hindi kabado si Sarno sa Paris Olympics.
Sa halip, excited ito na makipagsabayan laban sa pinakamahuhusay na lifters sa mundo.
Sa kabilang banda, masisilayan sa aksyon si Ando sa women’s 59kg class.
Nais ni Ando na i-alay ang kanyang laban sa kanyang amang namayapa.
“I’m dedicating this to my father. I promise that I’m going to get it. I’m going to bring home a medal in the Olympics,” ani Ando.
Target din ni Ceniza na makahirit ng medalya sa men’s 61kg.
“I will do my best to medal in Paris,” ani Ceniza.
- Latest